Panaghoy
sa Emperyong Putik
Adrianne
D’Cruz Balagot
Nanaghoy
na diwa at durog na dibdib
Sa
puod na mahal kinalingang labis
Pagkat
ngayo’y saklot ng dusa at pait
Ang
bayan-bayanang at emperyong langit.
Ministrong
dumatal sa Puod ng ngiti
Ponebre
ang awit, alulong ang himig
Itong
manggagaod may luksa ang tinig
Pagkat
itong sagwan ay binaling pilit.
Ang
bantay-salakay sa puod na mahal
Kung
noon ay yuko… ngayon di mapihit
Pagkat
ang ministrong dumatal nang pilit
Kakulay
ang kapa sa Emperyong Putik.
Bayan-bayanang
dati’y umaaawit
Agam-agam
ngayon ang patagong hibik
Pagkat
sinisila ng kondesang lintik
Upang
maibangon kaniyang mga kabig.
Oh!
mumunting ibon, luha mo’y idilig
Sa
punong Akasyang may tatag ang tindig
Panaghoy
ng dahon ay mga pasakit
Sa
Puod mong mahal na dinagit pilit.
Matapa’t
na bantay ng landas na tuwid
Kahit
dinudurog ng maso ang isip
Hindi
isusuko ang bandilang punit
Hangga’t
SULONG tangan liwanag ang hatid.
Pusong
nalugami sa dating Parthenon
Mga
mandirigma ay pilit bumabangon
Pagkat
umaasa sa durog na muhon
Lilitaw
ang Laura sa takdang panahon.
Oh!
Mahal na Ina nitong aming puod
Oh!
Reyna Mileyang sa Pag-ibig lipos
Panaghoy
ng anak nawa’y maulinig
Bago
pa tuluyang mata ay ipinid.
Matarong
na Hari sa Puod na Handog
Sa
kumpas ng setro lingkod mo’y susunod
Lakas
nitong hukbong nabaon sa limot
Babangon
sa hukay at muling gagaod.
Oh!
Kabanal-banalan mahabing Diyos
Oh!
Bathalang makapangyayaring lubos
Nawa
itong habag sa Puod ihulog
Upang
‘yong mga anak muling pumalaot.
2 comments:
gandang panalangin
Post a Comment