Monday, January 21, 2008

Utak


“Utak ang isa sa pinakamahalagang sangkap sa katawan ng Tao, makina ng isip, Akasha (Alaala) ng mga lumipas na kaganapan, lundo ng talino, ng lakas na nagpapakilos sa katawan, katuwang ng Dakilang Manlilikha sa paghugis ng panibagong anyo, at ka-manunulat sa pag-akda ng mga karanasang magiging kasaysayan. Ito rin ang lunduyan ng galit, ng takot, ng hinanakit, ng mga ilusyon at delusyon, ng mga pangarap, ng pag-asa, ng ligaya, kalungkutan, pag-ibig at lahat ng pwersang ihahayag ng damdami’t malay (damlay)na naghahangad na tuklasin ang mga bagay na nagkukubli sa mga hiwaga ng kalikasan. Bukal ng lakas na mapangbuo-mapangwasak… daluyan ng palapahamang (pilosopiya) nagbubuhol – nagkakalag ng mga hiwaga ng buhay at pag-iral.

Sandakot na bagay sa ulong luklukan… sasakyan ng damdami’t malay (damlay) na magsisinsay… kung ang tao’y munting diyos o aso ang buhay at pag-iral”

- mjlderama
- March 2003, PUP Sta. Mesa, Manila, Philippines

No comments: