Cara Y Cruz
Ni Adrianne D' Cruz Balagot
cara... mukha...
cruz... nakadipang tundos
cara y cruz
mukha't nakadipang tundos.
"Laro...
sugal... buhay....
buhay na sugal
sugal ng buhay!
bawat kalansing
may panalo... may talunan
pagtatapos! di tiyak...
kung pagluha o halakhak?"
Ewan!
Minsang nasaksihan
Karakrusan sa daang bakal
Palaisipan... natatak sa isipan
Sinasayod ng diwa
Sa bawat kalansing
Nang tatlong mamisong tundusan
Kaninong bulsa ang mamumuwalan?
Bulsang nabutasan
Lulugu-lugong lilisan
Babalikang iniwan
Sikmura'y kumakalam.
Pero!
Pisong tundusan
Nang larong Cara Y Cruz
Larawang nakaukit
Bakit kaya nakatagilid?
Sa numerong uno... titig na titig!
Pero bakit nga nakatagilid - nakatitig?
Signos ba ng katotohanang...
pag-iral may dalawang larawan
Pagkatitig... pakikiisa...
Sa galaw - infinito - uniberso
Bilog kasi ang piso
O...
Hangad makaisa
sa kapwa n'ya tao.
Ahhhhhhh!
Nababaliw na ba ako?
Para piso lang
Pinag-iisip nang husto.
Ito ba'y epekto
Nang walang habas na paninigarilyo
Kapartner ng kapeng
Umaagaw sa katawan
Sa silid pahingahan
O, ito ang diwang nabubuo
sa isipang nililiyo
ng bawat pag-iral sa mundo.
Break muna...
pagod na ang diwa
sa kaiisip ng kung anu-ano
magkakape at magyoyosi lang ako
mamaya... itutuloy ko ang kwento
matapos kargahan ng gasolina't maensenso
pagkataong naengkangto
ng kalansing ng piso!
38 comments:
laro... sugal.... buhay....
ito ba ang bumubuo sa konsepto ng pilipino, haay.... nakakalungkot, dahil kailangan pa ng taya para sa pag asenso. Maghihintay na ang munting barya ay lumago kasabay ng mga panalanging san nga ba nabuo? Naglilibang,Nagsusugal, Aasenso, ito ba ang daan sa pangarap mo? hindi lubak, hindi malayo... aasa ka lang sa 3 kumakalansing na sentimo. simple diba? masaya ka na, aasenso pa! parang PCSo? o talaga lang ba na magulang ka. dahil gusto mong unahan ang iba. sa mas simpleng paraan, sa sistemang di ka mahihirapan. pero Ano? asan ka na? nakahilata ka parin habang abala ang iba, nagmumukmok nagagalit, sumusumpa, dahil ang baryang itinaya mo, Milyon na pala. nasayang nawala.... ang mga bagay na nasa iyo na. pinakawalan mo pa. hay Natauhan ka na ba? baon ka na kasi at siguradong di na makakahinga...
Juan dela cruz tsk..tsk... tks..
wag ka nang sumugal pa? ano sisigaw ka sa EDSA? patatalsikin mo ang sugarol at mandarambong na gumulang sayo? NAKAKAHIYA KA! binabasag mo ang salamin na nakaharap sayo.. Wag kang maghanap ng pagbabago kung aasa ka lang sa kapwa mo.
sir actually maganda ang sense nia kaya lang medyo irrelevant ang kape't yosi sa barya actually medyo pag may lamay pero para kasing out of the topic na ung last paragraph ehh
sir yung yosi kelan mo ba ipopost? ganda talaga nun eh gusto kong mabasa ulit... hehehe keep up the gud work...
bravo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! sana po tinuloy m n nbitin po ako,,, nwei!! gfudluck po sa karugtong aabangan po nmin....
Nakalulungkot lang isipan na ang mga Filipino sa panahong ito ay umaasa na lamang sa sugal... Balaha na kung baga... Isa itong repleksyon na maaring ang bansang ito ay wala ng kakayanan upang sustenahan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa kanyang lipunan. Karamihan ng Filipino ay nalululong sa sugal sa iba't-ibang kadahilanan ang iba'y naglilibang lang, ngunit karamihan nais kumita upang may mailagay sa bulsa para mabusog ang pamilya o mapawi man lng ang kulo sa kanyang sikmura. Oh. di naman kaya pang kape't panigarilyo man lng ay magkaroon sila. Ngunit anong saklap piso na lng ang natira, nawala pa. Sikmurang nais mapunan ngyon ay lalong nawalan.Bukas na lng muli anong malay mo baka paladin din. o Kya ay may aluluwang mangbalato sa talunang nilalang na ito.Hehehe sir this is the reality of life. Hay... among remedyo kaya ang maitutulong ng bawat mamamayan sa kanyang lipunang ginagalwan. Tuloy lng kyo sir at alm kong lahat ng ito ay hango sa inyong tunay na karanasan. Sana po magka fafa ka na... hehehe.
Ang tulang Cara Y. Cruz ay maganda at tunay na nakakaaliw.
Ang tula ay sumasalamin sa buhay ng mga taong nahuhumaling sa uri ng sugal na ito, base na rin sa nag papahayag, ang tula ay nagkwekwento kung paano ang proseso ng sugalay nagaganap,kung paano may nananalo at may natatalo. kung paano ang natatalo ay uuwing luhaan at muling babalik upang makabawi kahit na maubos ang pera at wala ng makain.
nakakalungkot na maraming tao ang nahuhumaling sa sugal na ito.
maging ang nagpapahayag ay di maintindihan kung bakit nga ba ganoon.
kung tutuusin wala namang magandang naidudulot ang sugal sapagkat walang kasigaraduhan ang larong ito.paswertehan kung baga.mauubos at malulustay lang ang pera mo sa walang kakwentakwentang dahilan.
mas mabuti pang ipang kain mo nalang ang pera mo kaysa isugal.
yun lang sir.
Thank you po.
Daisy Evaristo
karamihan ngayon puro sugal ang ginagawa lalo na iyong mga nasa kalye na patambay tambay lang..
yung mga taong walang trabaho at katamaran ang umiiral..
kumbaga ang paglalaro ng sugal ay isang libangan na lamang para sa kanila, ang iba ay pinagkakakitaan sapagkat may taya itong kasali,..
kaya nga may nananalo at natatalo eh!!!
parang weather weather laang yaan ika nga!!
hehehe...
sir, bandang huli hindi ko na ma relate hehehe..,,
pero sir ganda ng tula niyo huh...
panalo, hindi nga ako makagawa ng ganun eh..
keep it up sir..
un lang poh!!
_.KATHERINE ROSE M. DALANON._
laro;;sugal...buhay...buhay na sugal.. oh sugal ng buhay.. bawat kalansing.. may panalo...may talunan..pagkatapos' di tiyak kung pagluha o halakhak.. ah iwan minsang nasaksihan, karakrusan sa daang bakal..palaisipan..natatak sa isipan, sinasayod ng diwa, sa bawat kalansing, nang tatlong mamisong tundusan, naks ha gaya ko ang tula nyo,bakit ba kailang gawin ang bagay na ito? ang magsugal kaya tuloy nakuhang ipagkumpara ang "buhay sa sugal", nakakalungkot isipin na may mga taong tinuturing na sugal ang buhay, susmaryosep naman sir, magturo ka na lang, suportahan ta ka, kasi kung dinadaan mo nalang ang buhay sa isang sugal ano ang mapapala mo,ang ganda na sana ng layunin (ang magtagumapay) kaso ang paraan sa pag-abot ng tagumpay ay mali, ginawa ba namang laruan ang piso. naku ingat ka baka ikaw ang paglaruan ng mamiso... okey sabihin na natin na nawalan ka ng milyon, nakakuha ka ng milyon. asan naman mapupunta yan sa kaban ng bayan. o sa kaban ng bahay. kung sa bagay mas masaya pag may pira, kaysa sa wala, pero ang lahat ng bagay ay walang halaga
, magpakahirap kaman sa pagsusugal, sumugal man ng sumugal, ay wala ring mapapala, patuloy ang pagpapalit ng mga lahi ngunit ang daigdig hindi nagbabago, pa ulit ulit lang ang pagsikat at paglubog ng araw..wala ring halaga ang lahat ng gagawin mo, pagkat maiiwan lang sa susunod sayo, at sino ang nakakatiyak kung siya ay mananalo o matatalo sa laro ng iyong buhay? gayunman siya ang magmamana sa mga maiiwan mong pinagbuhusan ng lakas at isipan sa pagsusugal, paano kung ibang laro ang gusto nya, yong bang "gulong ng palad" o "kaya naman pasan ko ang daigdig" palabas ba to?
ang mabuti pa sir kumain at uminom kana lang ng tubig o softdrinks, pagpasasaan mo, ang iyong pinagpaguran, tulog ka narin kasi magtuturo kapa bukas he..he..
hindi sugal ang buhay nasa tao yan kung paano iiwasan ang sugal.
Maganda ang konsepto ng tula... maraming ideya ang mabubuo sa tulang Cara Y Cruz dahil sa iba't ibang karanasan ng tao...
Ang tulang Cara Y Cruz ay isang klase ng tula na nagbubukas sa mata ng tao kung ano ba ang katotohanan at kasinungalingan sa mundo...
Nakakalungkot isipin na ganito na nga ang nangyayari sa buhay ng karamihan ng mga tao ngunit wala narin tayong magagawa lalo't nakasanayan na.... gaya ng yosi...
ganda po ng tula nyo....
malalim at may nais ipakahulugan...
cara y cruz isang laro/sugal na may nana2lo at may natatalo na maari rin nating ihalintulad sa ating buhay.. kelangan magtake ng risk sa ating mga ginagawa kh8 d alam kung ano ang kalalabasan upang malaman kung tayo'y magiging matagumpay... dito ipinapakita ang realidad ng buhay...nakikipagsapalaran...
piso isang baryang bilog na kung ating titingnan ang katangian ng isang bilog eh wala itong katapusan...si mukha nmang nakatagilid eh maihahalintulad natin sa 1 tao na meron png kabilang side.. ngunit d naki2ta/napa2nsin sa kanya
... marahil ang tula pong ito'y batay na rin sa inyong karanasan bilang manunulat...ok poh talaga yung tula, galing poh ng may akda... dami ng simbolong ginamit...maraming pwedeng maging pakahulugan ang mambabasa ayon na rin sa kanilang naging pagkakaunawa pero po sa aking palagay ang tunay na kahulugan o interpretasyon ng tulang ito ay batay na rin sa nagsulat...
-cherry lou balgua
ang cara y cruz ay isang laro sa mga kalsada at pwede dinsa paaralan.
sa tulang ito ay ipinapahiwatig na may mga pagkakataon na ang iyong haka-haka sa laro ay tugma sa tadhana na ikaw ay maaaring manalo at matalo.
habang binabasa ko ito, ang mga salitang nakikita ko ay naglalakbay sa aking isipan ay bumubuo ng imahinasyon upang maipakita sa akin ang tunay na laro ng CARA y CRUZ.
ang mga estudyanteng makakakabasa nito ay ma-eengganyong at maaari din silang makabuo na magandang konsepto ng tula tulad nito.
maraming salamat po at ang iyong tula na CARA y CRUZ ay maganda.
-carlito doringo-
eto n sir magcocoment uli aq.. mali yung pinag comentan q eh.. heheh...
ahhm..
cara y cruz..
nilalaro q dn yn dati..
minsan panalo mdalas talo...
pero ngaun lng aq nkabasa ng tulang gnyn..
mula sa npkacmpleng laro n bngyan kulay at halaga..
nkakatuwang icpin n ang sugal ay may mgnda dng dulot s buhay..
mkpg sugal nga mamaya..
atlist my dahilan n q pra mgsugal..
haha...
pero sir nsubukan niyo n b yung first cara?
msrap dn siyang laruin..
prang cara y cruz dn..
pero kahit ilng brya ang kasali pde..
sna gwan nyo dn ng tula yon..
lucky nine kea?
tong its?
ahmm..
puro sugal nsa icp q ah..
pero sir hanga tlga aq s tula niyo..
tama kayo sir s cnbi niyo ung 2ngkol dun s bula bulang ideya b yon?
ah bsta.. un n yun..
teka mkhang mhba n ata ah..
bka mbgot n kayu s kkbasa ng wlang kwent kwentng koment n to..hehehe..
pero sir galing niyo tlga...
elib aq s inyo...
cge yun n lng.. bye..
nagpapaktta ng ibang kulay ang larong cara y cruz hnd lng basta isang simpleng larong kanto o larong panglibngan sa lansangan... dahil kng ating su2riin ang baryng pisong ginmit sa larong ito maki2t natin...ang isang simbolong nagp2hwatig ng kng anong klaseng tao ang sumisimbolo dto,makasarili b o my pagmamahahl sa kapwa...
Sir d best k tlaga,... hind k lang legend ur a certified GOD!
-JONNALYN D. CERA
BSE 2-1E
eow sir!!!
ang mga gawa mo sir ay buhat sa tunay na nangyayari sa ating paligid.. at sa aking napansin ang mga sulat mo tumutukoy sa buhay ng isang tao at pinapkita mo ang pagiging totoong manunulat na hango sa iyong pinag daanan.. dahil ang magaling na manunulat ay yung totoong nakakaranas ng kanyang sinusulat.
yan lang po sir... hehehe...
Chriz hir!
Cara Y Cruz...
magaling..magaling..magaling..!
ang tulang Cara Y Cruz ay sadyang napakagandang tula na sumasalamin sa buhay ng isang tao..
may panalo, may talo..
hndi sa lhat ng oras at pagkakataon ay nasa itaas ka...
isa lng ang masa2bi ko..
Sir!!!isa kang ALAMAT...
heheh...
-Geneva A. Climaco
BSE 2-1E
sir, ang cute ng tula nyo,nakakatuwa sya basahin,sa una aakalain mong joke lang sya pero paginintindi mo na sya makikita mo yung malalim na meaning nya,parang kinukumpara yung buhay ng tao sa larong Cara y Cruz,sumusugal tayo sa araw-araw, walang katiyakan kung anong mangyayari,kung magiging maganda ba yung araw na yun o hindi,kaya lang sir, hindi ko makita yung koneksyon ng kape at yosi sa piso, siguro kayo lang nakakaalam nun, sana sir ipaliwanag nyo samin yun,yun lang po,sa kabuuan,natutuwa po talaga ko sa tula,hehe!
MABUHAY ANG ATING PANGINOON!!!
-del Rosario, Noree C.
BSE 2-1E
cara y cruz
sugal na karaniwang pampalipas oras ng mga pilipinong tambay..mga walang magawa kung kaya't barya'y inuubos dto....hindi nila alam pisong ito'y pandagdag na sa pambili ng pantawid sa kalam ng sikmura...hanggang sa paglalim ng gabi hindi pa dn mapatid...
+MAVERLY ANN M. BENDIDIO
-BSE 2-1E
ang mga tao talaga sugarol, pati ba naman professor namin dinamay pa' tsk..tsk..tsk..
pero okey ka sir, agree ako sa sinasabi mo dahil alam nating lahat na angbuhay ay isang sugal, may mananalo at matatalo, lulugo lugong lilisan baga,
halimbawa sa isang manlalaro; kahit gaano ka kagaling, kung kaakbay mo ang malas matatalo matatalo ka rin, kung baga weather, wearther lang yan,
may panahon ng tagsibol, at may taglagas.
paglubog ng araw at pagsikat.
panahon ng pagtatanim, at panahon ng tag-ani.
kaso wala ata akong panahon, kailan kaya darating yon?
dahil sa tulang ito sir,may natutunan ako.na hindi dapat sa lahat ng oras ay puro sugal ang iisipin.........AMEN....
ahm.......
una sa lahat binabati ko ang gumawa ng tulang ito nasi Marijah lotus de rama (sino bato si sir yata to' eh!!!!!) ang bait!!!!! Sir ang masasabi ko lang ay sang ayon ako!!!!!! sa kwento lang ha??????? kasi totoo naman eh!!!! sir may tanong ako? satin lang to ha? ekspiryens nyo ba to? tinatanong ko lang ha ? di nga sir totoo? kung totoo!!!! bibigyan ko kayo ng tip's para palagi kayo manalo di ba? ganto lang yun eh!! sabihin nyo KARA tapos eto na yung dalawang barya i-krus nyo tapos syempre yung isa i-kara nyo para di halatang ng daya kayo igitna nyo yung naiiba tapos dahandahan lang ang paghagis o di ba? panalo na kayo!!!!! baka sabihin nyo naglalaro ako ha? di ako naglalaro nakikita ko lang sige. ang masasabi ko lang talagt smple, maganda totoo talaga sya......... sige bye.......
sir tapos na ko ha? di ko lang nalagyan ng pangalan eh!!!!!!! binigyan kita ng tip's don kung pano manalo
roselle z. sarmiento
bse 2-1e
sir tapos ako;' wala kasi pangalan
''''''tungkol yon sa weather weather lang yan
bse 2-1E
rose fay castor
cara y cruz .....
wat a game????
naalala ko 2loy ang palabas ngayon na
ligaw na bulalak????
dahil sa larong cara y cruz sinugal ng isang ama ang kanyang anak sa isang taong hindi naman gusto ng kanyang anak....(sir. nagets u po b?)
larong sugal n ngayon ko lng nlaman ang mekanics, kailangan b talagang pumili kung ano ang lalabas dito???
cara ba o cruz???
MADALAS KO makita at marinig sa aming mga kapitbahay na nglalaro sila nito at nagtataka ako ano b ang napupulot dito???
pakikisama b???
gutom???
hangad n manalo???
swertehan b???
pero bakit madalas laruin ito???
bkit kailangn ito pa ang maging basehan para my pagkatuwaan???
andaming tanong n lumalapit sa aking isipn, ngunit hind alam kung paano sgutin????
kaw sir kaya u bang sgutin ito????
haaaay, buhay .....
sa hirap ngayon marami p rin nalolong sa sugal??? bakit hind nlng icpn ang pnglaman sa tyan magsumikap at maghanap ng ikbubuhay????
buhay na hindi malamn kung san ptutunguhan????
buhay........
josephine may m. caballero
bse 2-1e
cara y cruz............
sir ganda ng tula ........
kailib.......
hehehe......
nilalaro ng mga kapitbahy ko......
minsan panalo!!!!!!
minsan talo!!!!!
buhay nga naman sa sugal....
PAIBA-IBA !!!!!!!!!
ang galing nyo po talaga gumawa ng tula.......
nabitin ako............
jhoan U. Doinog
Bse- 2-1e
CARA Y CRUZ
...isAng npAkAgandAng tuLA...
larO???
sUgAl???
itO nA bA anG tinGin ng mGa tAo sA bUhAy???...
kUNg iiSipin, sAdyAng nAkAkAlUngkOt and mGa nAngyAyAri Sa paliGid nGayon, nA sA sObrAng kAhiRapAn nAtUtulAk ang mGa tAo nA gUmAwa ng hIndi mAganDa tUlad ng pAgnAnAkAW, pAnghOhOldAp, at maGing ang kAunting nAtitirAng pAmbili ng pAgkain nilA ay nAgagAwa pang isUgal.
ang lArOng 'Cara Y. Cruz' ay isaNg napAkagandang lArO ngUnit itAtayA mOh bA ang Kakaunting bAryA na pAmbili na sAna ng pAgkAin ng mGa anAk mo kUNg kAlAhAting pOrsyento lanG ang pAg-asa mO???...
kUng iHahAmbing sa bUhay, maRaming mAmAmAyAn ngAyon ang itinAtayA ang kAkAunting pAg-aSa maitawid lAng sa kAhiRapaN ang kAnilAng bUhay...
...bUhAy nGa nAmAn,,,pArang sUgaL!!!
'siR, nAbiTin pOh aQ..aAbAnGan kOng mUli ang kArUgtong ng TuLa...
'eRcHenEy P. vilLotA'
BSE 2-1E
ang tulang ito ay tumatalakay hinggil sa buhay ng tao. ang buhay ng tao ay naisasahalintulad sa isang sugal. ang sugal para magkapaglaro kailangan ng puhunan o pera.kaulad ng ating buhay dahil pinapagalaw tayo ng pera. kailangan ang pera upang mabuhay ang tao dahil lahat ng bagay sa mundo ay may katumbas na halaga.
ang pakikipagsaplaran ay binibigyang diin din dito sa dahilang ang tao ay nakikipagsapalaran sa araw-araw ng pamumuhay. walang sinuman ang nakakaalam ng mga mangyayari sa hinaharap bagkus gumagawa lamang tayo ng panghuhula at ekspektasyon ng mga maaring mangyari. tulad sa isang sugal tayo ay nakikipagsapalaran na hindi alam ang kalalabasan.
Almarisa Aborido BSE 2-1E
ang Tulang Cara Y.Cruz ay sumasalamin sa buhay ng mga taong nahuhumaling at tuluyan ng nalungo sa uri ng ng sugal na ito.
nakakalungkot isipin na sa ganitong paraan ng pamumuhay ay nakakakuha ng pera ang maraming pilipino.Malamang marami sa mga nahumaling sa sugal na ito ay nagsisi din sa huli sapagkat sa ganitong uri ng laro walang kasiguraduhan ang mangyayari.
walang kasiguraduhan na ikaw ang mananalo kum naga paswertihan lang.
yun lang sir ang masasabi ko sa magandang tulang Cara Y.Cruz.
Jerome Vincent Cruz
BSE 2-1E
nakakapanglumo nang dahil sa kahirapan, ang mga tao ay nagsusugal na lang at uamaasa sa kaunting basbas ng kaswertehan, ngut kapag binasbasan ng kamalasan ay uuwing luhaan, at walang maiuwing kahit na kaunting makakain.
tapel, edness b
BSE-2-1e
,hei sir!..
,ahmm..
,nakakaaliw basahin ung nagawa niong tula na pinamagatang "CARA Y CRUZ"!..
,mejo nakarelate nga aq eh!,xze dati nagsusugal din aq!,kso tong-it naman ung nilalaro q!..
,madalas aqng manalo kung minsan!,peo di rin maiwasan na matalo!..
,ganon talaga eh!..
,kaso nakakaasar icipin na unti-unting nauubos ung pera q dahil lang dun!..
,minsan naicip q na lang na sana di na lang aq naglaro nun!..
,nasa huli nga naman ang pagsisisi!..
,peo aus lang un!,atlist nag-enjoy aq!..
,un nga lang, sa walang kwentang bagay!,hehe!..
,aun!..
,inaplay q lang ung ginawa niong tula sa buhay q!..
,sa madaling salita.."ang laro ay gaya din sa tunay na buhay!"..
**catherine anne yanza**
_bse 2-1e_
,pxenxa!,nakalimutan qong ilagay ung neim q!..
Hi sir! sosyal ang lalalim ng salita! di ko inekspek na ganyan kayo kalalim magisip di gaya ng unang impression ko. Sir, nkkaencourage kyo, prng npkdli s inyong gmwa ng tula. Pinarealize ng tula nyo skn na ang buhy, dpt cnskyan lng.
-michelle david
BSE2-1E
Hi sir! sosyal ang lalalim ng salita! di ko inekspek na ganyan kayo kalalim magisip di gaya ng unang impression ko. Sir, nkkaencourage kyo, prng npkdli s inyong gmwa ng tula. Pinarealize ng tula nyo skn na ang buhy, dpt cnskyan lng.
-michelle david
BSE2-1E
...Magaling!!! napakaganda at napakamakabuluhan ng tulang Cara Y cruz, sapagkat ang tulang Cara Y Cruz ay sumasalamin sa reyalidad ng buhay ng tao noon at sa kasalukuyan. Ipinaparating ng tula na ang buhay ng tao ay isang laro o sugal, hindi alam o walang katiyakan kung ano ang susunod na kabanatang mangyayari sa buhay nito sa mga araw na darating,hindi alam kung bukas ba ay masaya at mananatili pa rin sa mundo o lilisan na't iiwang luhaan ang nagmamahal. Hindi tiyak ang kaligayan at tagumpay sapagkat nariyan palagi ang kalungkuta't kabiguan. Kung kaya't nararapat lamang na pakaisiping mabuti ang mga gagawing hakbang sapagkat di tiyak angkahahantungan. Sa bawat pagkakamaling gagawin ng isang tao ay mayroong mga magsasakripisyo kung kaya pag-iingat maiapapayo sa lahat ng tao sa mundong puno ng milagro. Iwasan ang lubos na pagtitiwala sa kapwa mo, sapagkat di mo tanto ng tunay na pakay nito...
Yun lang po sir!!!
....SALAMAT! MAbuhay ka!..
Maria Catherine Cornico BSE 2-1e
....wOw nMn siR nK2vLiV nMn uNg tULng gNwA mU...
->gAnYn tLgA aNg vHaY nGeUn..
mAY nT2Lo aT miNsN mY n2Lo..
hLOs LhAt n vVgO s LhAt nG vGaY..
qNg hNd iTo'Y pG cCkPn Ng mVti hNd
mK2miT aNg gUsTnG mKmiT s vHaY
uN LnG...^_^...
mAniLyN G. RomUaLdO
BSEd 2-1E
....wOw nMn siR nK2vLiV nMn uNg tULng gNwA mU...
->gAnYn tLgA aNg vHaY nGeUn..
mAY nT2Lo aT miNsN mY n2Lo..
hLOs LhAt n vVgO s LhAt nG vGaY..
qNg hNd iTo'Y pG cCkPn Ng mVti hNd
mK2miT aNg gUsTnG mKmiT s vHaY
uN LnG...^_^...
mAniLyN G. RomUaLdO
BSEd 2-1E
uhm, sir....
para sken, maganda xa, khit ndi ko poh nbsa lahat. . .
alm ko meron itong mlalim na kahulugan, may malalim itong ibig sbihin, at may gustong iparating sa tao o sbihin na nting madlang people. . . jejeje
uhm, sana na poh ipagpatuloy ninyo ang inyong mbuting sinimulan. . . GOD SPEED
Adeveza A. Nartatez
grabe ang ganda ang tula na cara y cruz. Pinahihiwatig nito na sa anumang bagay ay maypagpipilian ay maaaring tama o mali ang magiging desisyon mo!! sa simpleng piso ay ginulo nya ang pagiisip ko. sana ay may kakayahan din akong lumikha ng sarili kong tula.
MAGBUNYI TAYO!!!!
YEHEY!!!!!!!
JOY CAMPOSANO
BSE 2-1E
magaling! magaling! magaling! karapatdapat kang hirangin bilang aming panginoon! at sigurado akong marami ka pang obra maestra.. share mu un iba pa. gusto pa namin makabasa ng iba mu pang likha..
_chEriELyn mAaƱO_
..cArA y cRuZ..
=pAsALamATAn aNg pAnGinOong hUmuhubOg sA aMin mgA gurO=
>mAhuSay nA tULang nAGpipintiG sA mgA tAingAng sAdyAng nAkAkAhinUHa ng aNgking kAkayahAn ni G. AdRiAn bALagOt..
>nAwA'y pAgpALain kAu nG Maykapal nA siyAng LumikhA sa sAnLibUtAn..
Carina Marty<<
para sakin, ang cara y cruz ay isang malalim na pagpapakahulugan sa buhay..
Tulad ng sugal, tayo ay nakikipagsapalaran, sa kabila ng katotohanan na tayo'y maaring matalo..o manalo.. ganoon naman tlga ang buhay natin eh, hangga't hindi ka marunong magbakasakali, wala kang mararating..
dumarating tayo sa punto na gusto na nating sumuko, pero heto padin tayo at sumusugal sa buhay, itataya mo lahat..minsan pati kalulwa mo pa.. but in the end, dun ka matututo..
pero kung ano man tlaga ang gustoNg iparating ng tulang iyon, nakabatay padin iyon sa sumulat, maaring taliwas sa aking pagkaunawa ang totoo nitong gustong ipahiwatig.
_GaLing ng tuLang tO.._
_it inspired me aLot._
, sana makagawa pa po kayo ng madami pang mga tula na gigising sa aming mga diwa..('.')
Post a Comment