Sunday, July 27, 2008

Cara Y Cruz

Cara Y Cruz
Ni Adrianne D' Cruz Balagot

cara... mukha...
cruz... nakadipang tundos
cara y cruz
mukha't nakadipang tundos.

"Laro...
sugal... buhay....
buhay na sugal
sugal ng buhay!
bawat kalansing
may panalo... may talunan
pagtatapos! di tiyak...
kung pagluha o halakhak?"

Ewan!
Minsang nasaksihan
Karakrusan sa daang bakal
Palaisipan... natatak sa isipan
Sinasayod ng diwa
Sa bawat kalansing
Nang tatlong mamisong tundusan
Kaninong bulsa ang mamumuwalan?
Bulsang nabutasan
Lulugu-lugong lilisan
Babalikang iniwan
Sikmura'y kumakalam.

Pero!
Pisong tundusan
Nang larong Cara Y Cruz
Larawang nakaukit
Bakit kaya nakatagilid?
Sa numerong uno... titig na titig!
Pero bakit nga nakatagilid - nakatitig?
Signos ba ng katotohanang...
pag-iral may dalawang larawan
Pagkatitig... pakikiisa...
Sa galaw - infinito - uniberso
Bilog kasi ang piso
O...
Hangad makaisa
sa kapwa n'ya tao.

Ahhhhhhh!

Nababaliw na ba ako?
Para piso lang
Pinag-iisip nang husto.
Ito ba'y epekto
Nang walang habas na paninigarilyo
Kapartner ng kapeng
Umaagaw sa katawan
Sa silid pahingahan
O, ito ang diwang nabubuo
sa isipang nililiyo
ng bawat pag-iral sa mundo.

Break muna...
pagod na ang diwa
sa kaiisip ng kung anu-ano
magkakape at magyoyosi lang ako
mamaya... itutuloy ko ang kwento
matapos kargahan ng gasolina't maensenso
pagkataong naengkangto
ng kalansing ng piso!